Sunday, October 01, 2006
DEADlines
Oct. 9- deadline ng docu at thesis proposalOct. 13- deadline ng film 110 plates
Patapos na ang sem, pero di ko pa makita ang katapusan ng schoolwork. Kahit ano 'ata ang gawin ko, i'm doomed to cram. haggard. kelangan pa namin magpalit/alterr ng docu topic ni roro due to circumstances beyond our control. tapos yung thesis proposal namin, wala pa kaming nasisimulan sa revisions. tapos may topak pa yung slr cam ko na ginagamit ko sa film 110. paano ko matatapos ang 12 plates before oct. 13??? i'm sooooo DEAD...
Magpapagradpic na ako sa saturday. Kelangan ko na talaga tanggapin na malapit na akong grumaduate. After kong mag-observe sa taping ng Bituing Walang Ningning, parang ayaw ko na magtabaho sa TV network. Na-depress pa nga ako for a while dahil parang naging pointless lahat ng pinag-aralan ko. Pero feeling ko lang yun. Hindi man clear ang direction ko ngayon, I know I'm going somewhere.
Hinalungkat ko 'yung mga lumang souvenir programs ng mga recitals ko with Steps to look for ideas for my creative shot. May idea na ako ng gusto kong gawin. The problem is, kaya ko pa bang gawin 'yun? Ilang months na akong walang conditioning. Paano kaya ko makakapagsplit sa ere eh kahit ata sa floor 'di ko na kaya? di bale, i have one week to work on it. sana lang enough na yun.
Tinatanong ako ng nanay ko kanina kung ok na raw ba ako sa course ko. Nabring up kasi ng mommy ni roro nung wednesday 'yung reklamo ko dati na bakit si arjae pinayagan mag-music tapos ako hindi(gusto ko mag dance major nun). Kung wala ako sa broadcomm, wala akong konsepto ng Making "Love" , walang out-of-towns at Havana nights with blockmates, at 'di ko nameet si bambam(yihee ang korny). Narealize ko na kung naging mas mapilit lang ako (like arj), baka pinayagan din ako. Basta kasi sabihin sa akin nun na iba na lang, sige sunod na lang ako.
Naaalala ko na naman yung lahar experience namin 11 years ago. dahil sa pagcocomemmorate namin ng pamilya ko sa incident na 'yun, nakalimutan namin na birthday din nga pala ng tito ko ngayon. Anyway, naalala ko lang bigla na habang nag-aalala mga magulang ko noon sa bahay at mga gamit namin habang umaakyat ang tubig, namomoroblema ako sa pencil case ko na naiwan ko sa kwarto ko. Nakakatawa. 'Pag bata talaga, mas simple ang problema.