Friday, October 20, 2006
Bakla, Bakla, Paano Ka Ginawa?
Gumagawa kami ni Roro ng docu tungkol sa batang bading. Yung una naming gustong palabasin ay kung bakit ba mayroong mga batang nagpapakita na ng kabaklaan as early as 4 or 5 years old. Biological ba ito o dahil ba sa mga factors sa environment? Pero after ng shooting at masinsinang pag-iisip, iba ang naging perspective ng docu namin.Tanggap na nga ba ang mga bakla ngayon? Sa Pilipinas, di sila masyado discriminated compared sa ibang bansa na may hate groups pa. Mataas ang tolerance ng mga tao sa mga bading dito sa Pilipinas, pero that doesn't mean na fully accepted sila. Maganda yung point ng sociologist na nainterview namin. May cetain space lang daw na binibigay sa mga bakla. Parang accepted sila sa ilang professions pero pag sa mga trabaho na traditionally panlalaki,hindi talaga.
Ano ba ang tamang term para sa kanila? Bakla? Bading? Binabae? Parang walang tama e. Kahit ano ang gamitin namin, parang may sense ng pangungutya. Or baka masyado ako lang ang naglalagay ng meaning na 'yun?
Naisip ko lang, bakit ba importanteng malaman kung bakit may bakla o paano nagiging bakla ang isang tao? Para ba mapigilan ito? Sa bagay, for understanding din. Pero di ba mas magandang tignan at intindihin yung effect kaysa sa cause?
Mas open na nga ang society ngayon para sa mga bakla, pero up to a certain level lang. Naniniwala ako na may discrimination pa rin, hindi lang masyadong halata.
Bakit ganoon? Mas katanggap-tanggap pa ang mga babaeng gumagawa ng trabahong panlalaki kaysa sa mga baklang gumagawa ng trabahong panlalaki? Unfair talaga ang mundo.