in dance as in life



Friday, January 26, 2007

Life questions

Saan tinatago ni Superman ang pinagbihisan niya? Hindi naman niya iniiwan sa phone booth di ba?


Bakit 'pag nagteteleport ang mutant na tao or nagtatransform into something (like water), hindi naiiwan yung damit?


Sinulat ko dati yung mga tanong ko tungkol sa maraming bagay, di ko lang matandaan kung nasaan na yung listahan na 'yun. Pag nakita ko 'yun, ipopost ko dito. Kaya lang baka di ko na makita yun, which brings me to another question: Bakit laging nawawala mga gamit ko?


Ay, di ko na pala dapat tinatanong yun. Ang sagot: kasi burara ako. So Keina, please, fix your life. Bukas, promise! Matutulog na ako (yihee wala pang 12midnight matutulog na ako) at simula bukas, di na ako matutulog hanggang I don't know when. Exaggerated yun of course, matutulog naman ako, siguro mga 5 hours... for the whole week. Hahaha.

posted by Keina at 11:27 PM
|